by Rico Miranda posted on January 07, 2018

KATRINA VS MEGAN

by Rico Miranda posted on January 07, 2018

 

Contact Us

ANG PAGTATAPAT NINA KATRINA HALILI AT MEGAN YOUNG MALAPIT NA!

by Rico Miranda posted on December 21. 2017

31.9K

Ma suwerte ang magiging pasok ng taong 2018 para sa aktres na si Katrina Halili. Sa ilang buwang pahinga muling magbabalik serye ang magandang aktres sa kanyang pinakabagong programa na dapat abangan sa darating na 2018 na magsisilbing  pang buenamanong proyekto ng aktres sa GMA7 kung saan kasama niya ang Miss World 2013 na si Miss Megan Young na  first time niyang makakatrabaho sa proyektong “The StepDaughters” ng GMA prime afternoon.                             

Nakapag taping napo kami  ng Step Daughters, Happy po ako, kasi kahit Workshop, Storycon, Gma plugshoot palang kami nagsasama esp Megan Young, I can feel her energy, na super positive talaga, actually even sa production, we’re all excited na po to this project. Promising yun storyline, it’s about 2 women na Magkaaway, magkaribal, magkaagaw sa lahat ng aspect ng life,”kwento ni Katrina.

Gagampanan ni Katrina ang papel bilang si Isabelle na kapatid ni Mayumi (Megan) na kapwa pinanganak at lumaking mahirap ngunit nakatadhana na lumaking magkasalungat at hindi magkasundo.Isang lihim na pag-aangkin ng yaman ng pamilya ni Isabelle kina Mayumi ang dahilan upang lumaki silang magkasalungat ang buhay. Higit pang titindi ang alitan nang pakasalan pa ng ama ni Isabelle ang ina ni Mayumi at naging stepsisters sila. Magkaagaw sa atensyon ng pamilya, magkalaban sa karangalan at kayamanan at higit sa lahat, magkaribal sa iisang lalaking bumihag sa kanilang mga puso. Sino sa dalawa ang magwawagi sa laro ng buhay at pag-ibig?    

"Abangan na lang po natin ang napaka gandang story sa buhay nina Mayumi at Isabelle. Isa po iyo sa ipinagmamalaki kong character very challenging role po para sa kin ito na mapapanood early 2018 ", dagdag pa niya.

Si Megan ang makakaranas ng hagupit at bagsik ni Katrina sa nasabing programa. Kaya abangan ang mga maiinit na tagpo sa bangayan at pagmamalupit ni Isabelle sa babaeng umagaw sa kanyang minamahal at kabuhayan.                                                  

"I enjoy working with Megan although ngayon lang kami nag katrabaho pero okej naman siya para sakin. Ako naman sa eksena lang ako mataray pero sweet ako in real life in explaine ko na yun kay Megan para naman di siya mailang din sakin so far were okej," pagtatapos ng aktres na ngayon ay busy sa taping ng kanyang bagong show sa GMA 7  kasama sina Megan Young, Mikael Daez , Angelu de Leon ,Garry Estrada , Glydel Mercado at marami pang iba. Huh!

 

"DEAdMA WALKING" HOLDS SUCCESSFUL PREMIERE NIGHT!

by Rico Miranda posted on December 21, 2017

31.9K

Ang pelikulang "Deadma Walking" na nga kaya ang biggest break para sa career ng bagong tandem na sina Joross Gamboa at ang reliable supporting aktor na si Edgar Allan "EA" Guzman? Kung kami tatanungin walang ka duda duda  na ito na nga ang pinaka hihintay ng dalawa na magandang break para sa kanilang career so far.

Sa Premiere Night na ginanap last night sa Trinoma Cinema 6 damang dama ng lahat ang sinyales ng tagumpay sa pelikula nina Joross at EA "Deadma Walking" an entry in the 2017 Metro Manila Film Festival which opens on Dec 25 nationwide. Overwhelmed ang buong cast last Thursday night for the preem of T-Rex Entertainment's comedy ,drama movie dahil sa mainit na pagtangkilik sa kanilang pelikula .Imagine hundred's of fans flocked to Trinoma Cinema  6 kaya naman masayang masaya hindi lang sina Joross at EA kundi maging ang mga nasa likod ng nasabing project.                                

After the movie was screened ibat ibang kuro kuno ang naging komento ng mga nakapanood ng movie of course lahat halos positive remarks ang naging opinyon nila sa movie. Umani ito ng magandang papuri sa mga beterans reviewers ng local cinema industry. True enough talagang wala kang itulak kabigin sa husay  ng performances  nina Joross at Edgar"EA" its a big different sa mga napapanood nating comedy gay Film.Kakaibang atake ika nga, ang ipakita dito sa nasabing movie na bagamat parehong charackter bilang gay roles  nabigyang katarungan ng dalawa ang kanilang mga eksena na walang nagyaring sapawan . Standouts ipinakitang husay nina Joross at EA to the help of course with direk Julius Alfonso. 

Sa movie ilalarawan dito ang kahalagahan ng isang tunay magkaibigan (BFF) , tells of two gay best friends who orchestrate a fake death in funeral . Edgar plays the flamboyant Mark who asked by the straight acting cancer stricken  John (Joross) to organize a fake funeral so that he can hear people what have to say about him. Isa yan sa mga gusto niyang mapatunayan at marinig na purihin siya ng mga tao. Nakaugalian na kasi ng karamihan na kung kailang sumakabilang buhay na ang tao saka ito binibigyan ng magagandang papuri. One of the best movie that i've ever seen promise. That alone is worth the price of admission. O diba taray kaya watch out Dec 25 in all cinemas nationwide.  

 

 

JON LUCAS LABIS ANG PASASALAMAT SA TIWALANG IBINIGAY SA KANYA NG REGAL FILMS PARA SA PELIKULANG "HAUNTED FOREST" NA ENTRY SA MMFF 2017

by Rico Miranda posted on December 09, 2017

31.9K


SA pamamagitan ng Regal Entertainment Inc, nabigyang katuparan ang isa sa pinapangap ng baguhang actor na member ng [Hashtag] na si Jon Lucas na maging isang ganap na actor at magkaroon ng isang lead role sa isang pelikula. Sobrang pasasalamat ni Jon sa ibinigay na tiwala sa kanya ng producer ng Regal na si Mother Lily Monteverde na mapabilang sa cast ng pelkikulang “Haunted Forest” na entry sa darating na Metro Manila Festival MMFF 2017 na showing sa araw ng kapaskuhan Dec 25 nationwide.  

Isang napaka importanteng role ang gagampanan si Jon sa nasabing pelikula bilang si Andrei. Kabilang siya sa grupo na tutuklasin ang lihim ng kagubatan at lalabanan ang sa'ng misteryosong “SitSit” .

“It’s a big apportunity para sa akin ang magkaroon ng ganitong uri ng pelikula. Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na first time kong magkaroon ng movie sa Regal timing na pumasok pa sa MMFF . Imagine ..hindi lahat ng baguhang artista na kagaya ko na magkaroon ng ganitong pagkakataon kaya sobra ang sya ko at pasasalamat sa Regal [Roselle Monteverde-teo] ,”entrada ng guwapong actor nang makapanayan naming siya sa Grand Media Con ng pelikulang “Haunted Forest”.”

“Bata pa po ako lagi ko nang napapanood ang mga pelikula ng regal Films lalo na po yung mga horror movie nila.

“Napapanood ko na ang ‘Shake, Rattle & Roll’, talagang ito po parati ang pinapanood ko kapag MMFF, kaya ang sarap ng pakiramdam na kasama na ako ngayon. Dati manonood lang ako, ngayon nandito na ako sa Regal. Ang sarap sa pakiramdam,” sabi pa ni Jon.

“Siguro po to na yung pinaka da best na regalong matanggap ko mula sa pagkabata ko.Ang maging part ng ganitong uri ng movie na maipagmamalaki ko. Wala na kong mahihiling ngayon pasko!..ito na yun.

“At ang pinaka exciting dito yung sasakay kami sa float na dati rati napapanood ko lang .. so iba yung pakiramadam eh parang hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. “

Sa pelikulang Haunted Forest bagong Jane, Jameson, Mariz at Tom ang makikilala ng mga manonood . Ang apat na magkakaibigan na tutuklasin ang misteryo ng kagubatan. At dapat ding abangan kung sino si “SITSIT” na siguradong hinding hindi natin malilimutan at malamang na magma- marka sa ating isipan pagkatapos mapanood ang pelikula na handog ng Regal Entertainment Inc. 

Si Jon ay kasalukuyang mapapanood pa rin natin sa programang It’s Showtime kung saan kasama niya ang miyembro ng  “Hashtag” kung saan ka miyembro nila ang pumanaw na si Franco Hernandez . May lungkot pa din sa mata ni Jon sa biglaang pagkawala ng kaibigan. Pero ang ikinabigla ni Jon ay kung bakit may isang basher na nagsabing nasa raw ay siya ang namayapa ang hindi na lang si Franco.

“May nagsabi nga po na Twitter user, wala naman po akong reaksyon, sabi ko lang, ‘sana nga kahit hater kita napasaya kita kahit minsan’

“Hindi naman po ako nagalit o nainis sa kanya kasi hindi naman po magkakatotoo ang sinabi niya, tinanggap ko na lang po na may mga ganu’n tao sa social media na kahit anong sabihin nila ay akala nila okay lang. Hindi po ako pumatol.

“Tapos nu’ng maraming nag-bash sa kanya, nag-status na ako na huwag na siyang patulan, hayaan na lang natin,” paliwanag ni Jon

Tungkol naman sa sa kayang kaibigan na si Tom Doromal ayaw na ni Jon na magsalita dahil siya raw umano ang naiipit sa pagitan ng girlfriend ni Franco at Tom.

 “Nag-post po ako ng pag-support kay Tom kasi ang dami ko na pong nababasang comments ng mga tao na sobrang foul na po.

“Lilinawin ko lang po ‘yung side nu’ng girl, hindi po ako against doon, hindi ko po sinasalungat lahat ng pangyayaring sinabi niya, hindi ko po kinontra ‘yun.

“Ang akin lang po kaya ako naglabas ng mga ganu’n direkta po iyon sa bashers na nanghuhusga at naninisi kay Tom. Sana huwag na nating sisihin ‘yung tao dahil unang-una wala naman tayo lahat doon sa pinangyarihan saka hindi natin alam talaga kung ano ang nangyari.

“Para na lang po kaibigan naming si Franco siguro pa patahimikin na lang natin siya ..yun lang po!.” Huling pahayag ng actor na isa sa bida sa pelikulang “Haunted Forest” with Jane Oineza, Jameson Blake at Maris Racal  at ito sa direksyon ng international award winning director na si Ian Lorenos  kasama din ang mga batikang actor na sina Raymart Santiago at Joey Marquez. showing DEC 25 in all cinema's nationwide.

 

JENNYLYN MERCADO BIGAY TODO SA PAKIKIPAG LOVE SCENES KAY DEREK RAMSAY SA PELIKULANG "ALL OF YOU"

by Rico Miranda posted on December 10, 2017

31.1K

BUMILIB kami sa pagiging mababang loob ni Jennylyn Mercado kahit pa sa kabila ng mga nangyari sa kanila ng kanyang dating BF na si Patrick Garcia na ama ng kanyang anak na si Jazz ,natanggap parin ng aktrtes na makipag kaibigan sa aktor na alang alang na rin siguro sa sitwasyon ng kanilang anak.                                                   Ayon pa kay Jen, nang makapanayan ng STARNEWS sa presscon ng pelikulang "ALL OF You" ng Quantum Films sobrang happy raw umano siya sa pagsasama nina Patrick at ang asawa nitong si Nikka at puring puri ng aktres ang asawa ng dating karelasyon.                                                                                                                          

"Si Nikka, very supportive siya sa anak namin ni Patrick (Alex Jazz). Parang silang dalawa ni Patrick ‘yung tatay, ganu’n,:"entrada ng aktres.                                             "So, masaya ako na very open si Nikka, tapos very understanding at napakabait niya,"                                                                                                                                                                                                                                                                                          Pinagmalaki rin ni Jennylyn na very close ang kanyang anak sa mga anak nina Patrick at Nikka sundot niya "Kasi everytime na dadalaw sila sa bahay , kasama ang mga bata, kumpleto sila . kaya masaya na lahat sila magkakasundo . Kahit si dennis kasundo rin ang anak kong si Jazz kumbaga one happy family ," sabay ngiti ni Jen

Samantala ,reunited movie nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado ang kanilang latest movie na "All Of You" under Quantum Films and MJM Production na ma suwerteng pumasok sa 43rd Metro Manila Film Festival MMFF ngayong 2017. Pero kay Jennylyn sa dinami rami ng kanyang pelikulang nagawa ang pelikulang "ALL Of YOU" raw umano ang maituturing niyang pinaka daring na nagawa niya with Derek Ramsay .

"Kailangan kasing gawin yun. Kaya masasabi kong ito na yung pinaka grabe na love scenes na ginawa ko. Siguro lima 'yung maiinit na love scenes namin ni Derek." nakatawang pahayag ng aktres.

"Itinodo ko na dito ayoko kasing sabihin na naman ng mga manonood na parang ilang na ilang ako sa pakikipag love scenes. So, dito ibang Jen ang mapapanood nila.

"Mas mature kasi ang character ko dito sa movie at challenging ang papel na ginampanan ko rito. Medyo takot magmahal dahil takot masaktan dahil galing isang failure relationship.

"E, hindi naman ako ganun, kahit naranasan ko na rin yung masaktan, Ito na rin yung pinaka daring na ginawa ko talaga in terms of love scenes namin ni Derek. Kasi i trusted naman sa aming director na si Dan Villegas. Alam ko naman in good taste at hindi malaswang panoorin at alam kong hindi lalabas sa laswaan ang bed scenes namin dito,"paliwanag pa ng aktres."

Hindi raw ba nagalit ang kanyang current boyfriend na si Dennis Trillo sa ginawa niyang daring scenes with Derek ?

"So far hindi naman siya nagalit. Tinimbrihan ko naman siya at in explain ko sa kanya ...tsaka alam naman niyang trabaho lang . Ang sabi lang niya hindi na lang siguro siya manonood para hindi siya mailang. Mas okej na rin para maging ako hindi ako mailang sa kanya."

Marami ang humuhula na ang pelikula nina Derek ramsay at Jennylyn Mercado ay posibleng isa sa maging topgrosser sa MMFF 2017 dahil subok na nga raw pagdating sa takilya ang tambalan ng dalawa . Isa pa malaki rin ang chance ni Jennylyn na masungkit nito ang Best actress sa darating na MMFF awards night. 

"Una nagpapasalamat ako sa tiwala na binigay nila sa akin, Kasi compared to my other two films where i won awards before English Only ..Please and Walang Forever  iba ibang ang character ko dito . sana lang mapansin nila yung pagkakaiba. Siyempre ayokong mag expect we will see na lang kung palarin di mas okej but hindi okej lang din.  Ang pelikulang " ALL OF YOU" ay showing na sa Dec 25 in all cinema's nationwide.

NON-STOP LAFF TRIP AT TAKOT ANG HATID NG FIGHTING LOLAS SA “TRIP UBUSAN: THE LOLAS VS. ZOMBIES

31.1K

by Rico Miranda posted on November 21, 2017

FILM:               “TRIP UBUSAN: THE LOLAS VS ZOMBIES”

CAST:              JOSE MANALO (Lola Tinidora), WALLY BAYOLA (Lola Nidora ) & PAOLO BALLESTEROS (Lola Tidora) with  Angelika de la Cruz, Ryzza Mae Dizon, Arthur Solinap, Lovely Abella, Taki Saito, Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Shaira Mae de la Cruz,Archie Adamos, Jhayvhot Galang and Caprice Cayetano.  Guests: Al Tantay, Joshua Zamora, Rochelle Pangilinan and Nino Muhlach

DIRECTOR:      MARK REYES

PRODUCERS:  APT ENTERTAINMENT & M-ZET PRODUCTIONS

PLAYDATE:      NOVEMBER 22, 2017

Kumpletos rekados ang katatawanan at katatakutan  na  hatid nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) sa bago nilang adventure sa big screen sa pelikulang “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies.”

Comedy times three ang bitbit ng tatlong Lolas sa kanilang bagong adventure na sinamahan din ng aksyon, drama at katatakutan. Binalutan ito ng bagong makabagong bersyon ng pagpapatawa sa Pinoy comedy films na nakasanayan na sa mga slapstick at toilet humor jokes. Kumbaga, level up na sa big screen ang tatlong Lolas, level up na din ang estilo ng pagpapasakit nila ng tiyan sa “Trip Ubusan.”   Subalit batbat man ito ng masasaya at maaaksyong eksena, lumutang pa rin ang pagbibigay ng words of wisdom ng tatlong Lolas lalo na sa sitwasyon na kailangang matulungan sa oras ng gipitan. Pinairal pa rin nila ang Bayanihan spirit na likas sa mga Filipino.                                                                                                                         

Eh, ang  isa pang atraksyon sa “Trip Ubusan,” nakakabililib ang lumabas na zombies. Pinili ni direk Mark Reyes ang gaganap sa mga ito, inayusan para lumabas na totoo at ‘yung prosthetics ay de kalidad ang pagkakagawa. Maging ang movements nila ay well-choreographed nang sa gayon ay pasiklab at paandar ang presence nila. Imagine, isang novelty ang presence na sandakmak na zombies sa ganitong klase ng comic movie na kalaban ng tatlong Lolas.  Marami na silang nakaengkuwentro at nakasama sa “Kalye Serye” ng “Eat Bulaga” kaya ‘yung makipaglaban sila sa mga zombie ay worth watching for!

“Kulang-kulang tatlong milyon ang zombies dito. Hindi. Ayon sa isang director na nakausap namin, iba raw ang look at ‘yung zombies, hindi siya ordinaryong zombies na nakikita sa local horror movies.

“Pati ‘yung make up na inilalagay sa kanila, galing ‘yon sa ibang bansa. Parang totoo talaga siya kaya maganda lumabas ‘yung movie,” paliwanag ni Lola Tinidora (Jose).

“Comedy man ang dating namin sa suot pa lang naming, seryosohan din ang marami naming eksena lalo na kapag nakikipaglaban na kami sa zombies. Mahirap ito sa lahat ng ginawa namin. Maghapon at magdamag ba kaming nakasuot ng ganito, hindi ka mahihirapan? Ha! Ha! Ha! Pero maayos. Maganda lumabas ang movie,” dagdag pa ni Lola Tinidora( Jose).

“Hindi namin sinasabing hindi siya comedy pero more on a serious na parang ganoon Diyos ko naman kung makita ninyo kaming ganito, hindi ba kayo matatawa? ‘Yun pa lang given na, di ba?” sey ni Lola Tidora (Paolo).

“Kakaibang adventure ito ng mga Lolas. May nagawa na kaming movie na may powers kami. Pero dito, wala. Nakikipaglaban kami sa zombies na manu-mano at seryoso ang pakikipaglaban namin. Walang slapstick. ‘Yun nga ang nakakatawa roon, seryosong nakikipaglaban ang mga Lola habang naka-wig, nakakuwintas at naka-gloves.

“Pero may istorya ‘yung characters namin dito. Sabi ng ibang cast, first time nila pero mahuhusay sila at may istorya ang bawat character at may matutunan kayo,” pahayag ni Lola Nidora (Wally).

In character ang mga Lolas sa kabuuan ng pelikula. Mga lolang minahal ng publiko mula nang sumikat ang characters nila sa “Kalye Serye” ng  “Eat Bulaga.” Kung sa “KS” ay protektado nila ang lumabas na apo nilang si Yaya Dub (Maine Mendoza), this time, ang apo sa tuhod nilang si Charmaine (Caprice Cayetano) ang iniligtas nila sa mga halimaw pati na ang mga taong nangangailangan ng tulong nila.

 Tampok din sa “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” sina Angelika de la Cruz, Arthur Solinap, Lovely Abella, Archie Adamos, Jhayvhot Galang at Ryzza Mae Dizon pati ang sumisikat na loveteams nina Kenneth Medrano at Taki Saito, at Miggy Tolentino at Shaira de la Cruz.

 Mula sa APT Entertainment at M-Zet Productions ang “Trip Ubusan: Lolas vs. Zombies” na magkahalong tuwa at takot  ang yayanig sa manonood  pati na ang millenial audience simula sa Nobyembre 22!  

 Siguradong lalabas sa mga sinehan ang manonood na tumatawa, umiiyak at gulat na gulat at higit sa lahat, masasabi nilang umangat na ang kalidad ng Pinoy comedy films.

 

MAPAPANOOD NA ANG PINAKAHIHINTAY NA PELIKULA NG TATLONG LOLA'S "TRIP UBUSAN" WEDNESDAY NOVEMBER 22 NATIONWIDE

31.1K

THE MUCH AWAITED HORROR COMEDY DRAMA FILM "Trip Ubusan"The LolasVSZombies Showing na bukas Wednesday 22 nationwide.Ang pelikulang kumpleto rekados. Nakaka aliw ang mga Lola's na sina Jose ,Wally, at Paolo ,kikiligin din kayo sa kauna unahang tambalan nina Kenneth at Taki na unang nakilala sa programang Trops.na binigyan ng magandang exposure sa movie. Full length ang naging role nina Kenneth at Taki sa nasabing pelikula .

Hindi lang  suspense horror movie ang pelikulang "Trip Ubusan" the Lolas vs Zombies kundi may halo din itong katatawanan at drama. Maganda ang pagkakagawa ng pelikula infairness matinong pelikula na tiyak na papatok sa takilya . Hindi lang mga Lola's ang focus ng nasabing movie lahat ng cast ay may highlight binigyan ng magandang exposure like Angelika dela Cruz ,Ryzza Mae Dizon, Lovely Abella, Taki Salto,Kenneth Medrano,Miggy Tolentino ,Arthur Solinap at ang bibong si Shaina Mae dela Cruz. Hatid ng pelikula Nina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora ang bagong adventure na sinamahan din ni Mark Reyes (director ng movie)ng aksyon drama at katatakutan.

Image may contain: one or more people, people standing, crowd and indoor

DURING THE PREMIERE NIGHT NG PELIKULANG "TRIP UBUSAN" FULL PACKING AUDIENCES

Sa preem n pelikulang "Trip Ubusan" kitang kita na papatok ang pelikula ng APT entertainment at MZet Production ..kakaibang movie ang ipamamalas ng tatlong Lolas na sina Paolo, Wally at Jose. Hindi lang kasi katatawanan ang mapapanood natin da drama na din ang mga Lolas sahugan pa ng nakakakilig na tambalan nina Kenneth at Taki , dagdag pa si Miggie Tolentino at ang reyna ng kontrabida na si Angelika dela Cruz na maltida pa din sa pelikula kahit sa kasagsagan sa paghahabol ng mga zombies sa kanila. Dont miss to watch im pretty sure maaaliw at magugustuhan nyo ang movie its happy ending kasi nga'y na survived si Lola  Nidora na nakagat ng Zombie alamin ang misteryo kung bakit bukod tanging si Lola Nidora ang na nakaligtas sa kagat ng Zombie. 

31.1K

by Rico Miranda posted on November 09, 2017

31.1K

JANINE GUTIERREZ SIGNS NEW CONTRACT WITH GMA NETWORK

by Rico Miranda posted on October 25, 2017

31.1K

 During the contract signing were GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable, SVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara (GMAAC), and her manager Leo Dominguez.(LVD)

Showbiz Royalty Janine Gutierrez recently renewed her  Contract with GMA Network. The beautiful actress is most excited about these developments of her career as she looks forward to more projects which will showcase her acting ability. “I have complete trust and confidence with my home network which I consider my family, my home”, says the actress. As you may recall, it was GMA Network that gave Janine the break by giving her lead roles in successful seryes such as “Legally Blind” and “One Again”. “I will always be grateful for the trust that my GMA family has given me”, confesses the actress.

Janine is now currently working on a project about the environment entitled “Unbroken Hearts” and she even recorded the theme song in the United States with the famous record producer Red One. Janine is also excited about the release of the single soon. For sure, this new endeavor will showcase her singing abilities. Janine is also most excited with her upcoming Primetime show on Gma.”I can’t reveal the details but the next project is definitely something new for Janine.

Janine will continue to be in the good hands of GMA Artist Center and together with LVD Management, her star will continue to shine bright. Indeed, Janine Gutierrez is GMA’s Actress of Crowned Showbiz Royalty. The future is on her side.

JANINE g PINATUNAYAN ANG PAGIGING LOYAl SA GMA NETWORK

31.1K

by Rico Miranda posted on October 26, 2017

Janine Gutierrez,who recently renewed her contract with GMA Network 

Nang mag sign ng exclusive contract ang aktres na si Janine Gutierrez sa bago niyang talent management LVD of Leo Dominguez nag simula na ring umungong ang tsismis sa aktres sa hindi nito par pirma ng contract sa GMA network. Ang akala ng lahat tuluyan nang lilisanin ng anak ni Lotlot de Leon ang kapuso Network na kung saan nagbigay sa kanya ng magandang break. Taliwas sa inaasahan ng lahat , pinatuyan ng aktres kung gaano siya ka loyal sa GMA at kahit na sa kabila ng balitang plano umano nitong lumipat ng ibang channel pinakita niya kung gaano niya kamahal ang istasyong kanyang kinamulatan at nagbigay ng break sa kanyang career.

"Hindi po totoo 'yon. Tsismis lang lang po siguro yun. We have always been in talks about the contract."ito ang naging pahayag ni Janine sa GMA news.

Gutierrez, who recently renewed her contract with GMA Network the other day October 24 kasama ang kanyang talent manager na si Leo Dominguez. Present din during the singing ang GMA Vice President for Entertainment na si Ma'm Lilybeth Gomez Rasonable at ang SVP for Alternative Production na si Gigi Satiago Lara (GMAAC) . Kaya ngayon palang excited na si Janine sa magandang plano sa kanya ng GMA Artist Center.

"I'm very blessed and lucky to be signing again to being with GMA, na as I've said nga po, talagang dito na po ako natuto at naalagaan talaga, and I'm so thankful to be spending the next years here.                                                                                                 "I have complete trust and confidence with my home network which i consider my family, my home."masayang sabi ng aktres.  

Isa sa ipinamamalaki ni Janine ay ang seryeng nagawa niya ang "Legally Blind" kung saan she playing a blind woman kaya ito raw ang maituturing na challenging role para sa aktres . 

"Yung Legally Blind po talaga yung pinakamahirap na nagawa ko sa lahat, simula nung umpisa. Kaya i will always be grateful sa GMA sa tiwalang pinagkaloob nila sa akin.                                                                                                                                             "And I hope siguro sunod-sunod na yung mga mas mature na roles and mas matuto ako, which is always naman dito sa GMA na talagang bibigyan ka nila ng mga project na talagang makakabuti sa iyo bilang artista."pagmamalaking sabi niya.                 

Sa ngayon, abala si Janine sa kayang kasalukuyang ginagawang project ..its about the environment na may pamagat na "Unbroken Hearts". Aside from that , excited na rin ang kapuso star sa release ng kanyang bagong single. Kasama rin ang aktres sa pelikulang "Spirit Of The Glass" bilang isang importanteng papel  na mapapanood sa holloween presentation sa November 1 sa mga sinihan. O diba ?sabi nga when it rain it pours righ jun Lalin?





Contact Us

30.9K
FULL TRAILER : THIS TIME I'LL BE SWEETER WILL HIT ON NOVEMBER 8 NATIONWIDE UNDER REGAL MULTIMEDIA , INC

SPIRIT OF THE GLASS 2  SHOWING ON NOVEMBER 1 NATIONWIDE

KEN CHAN PINATUYANAN KUNG GAANO KA SPECIAL SI BARBIE FORTEZA SA KANYANG BUHAY "SIYA ANG STAR NG BUHAY KO"

by Rico Miranda posted on October 17, 2017

30.9K

Sa grand presscon ng pelikulang "This Time I'll Be Sweeter" kinilig ang lahat sa sorpresang handog ni Ken Chan sa kanyang leading lady na si Barbie Forteza. Hinadugan niya ang dalaga nang isang magandang awitin at bulaklak. nagbigay pa magandang mensahe ang binata matapos ang kanilang sweet moments sa harap ng mga press people.                                                                                                           "Hindi pa ako artista pangarap ko siya..siya na nga naka discover sa akin. Pangarap ko na siyang maka trabaho. Sa tuwing mangangarap ako , na ke creat sa isip ko na wala na akong inisip na babae kundi ikaw,"pambungad na message ni Ken sa kanyang leading lady na si Barbie.                                                                        

"Natupad lahat yun..sabi ko nga parang magic eh, yung iniisip ko ..pinapangarap ko lang dati na ini imagine kita natupad lahat yun. nagkasama tayo sa "Tween Heart" sa "Meant To Be" tapos ngayon movie naman.                                                                         "Kahit hindi kita madalas kasama napapanatili natin yung ganda nang relasyon natin bilang magkaibigan. And ah.. ngayon ako naniniwala na strong na yung friendship natin at mas mapapanatili pa natin yun ng matagal. Naniniwala ako na may forever

"Plano ko ngang bumili ng star ..mahilig ka kasi sa star eh, pero kahit walang star ..ikaw ang magsisilbing star ng buhay ko. kaya super saya ko dahil hanggang ngayon magkasama at magkatrabaho pa din tayo ," ito ang mensaheng sinabi ni Ken kay Barbie bagay na kina kiligan ng marami during the presscon ng pelikula nilang "This Time I'll be sweeter" under Regal Multimedia , Inc at ito ay ipalalabas sa darating na November 8 sa mga sinihan nationwide.                                                                                    check the full trailer :  >>>click here                                                                                   

                                                             


Isa na namang pelikulang aabangan at puno ng inspirasyon at pagiibigan sa kauna unahang pagkakataon mapapanood na ang unang kilig tambalan sa pelikulang "This Time I'll Be Sweeter" Regal Multimedia Inc sa November 8  nationwide ,ating lasapin at namnamin ang mga nakakalikig moments ng Mellennial loveteam na sina Ken Chan at Barbie Forteza kasama rin sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Hiro Peralta, Jai Agpangan, Fiona Yang, Kaki Ramirez, Neil Ryan Sese, yayo Agila, Ara Mina , Rey Abellana , Jon Leo at ito ay sa direksyon ng respetado't magaling na director na si Joel Lamangan. Don't miss to watch !

BARBIE FORTEZA  NANINIWALA NA FRIENDSHIP IS MORE LASTING AT TAKOT SA FAILED RELATIONSHIP

30.9K

Ngayong palang na papalapit na ang showing ng pelikulang "This Time I'll Be Sweeter" pinag uuspan  at excited na ang lahat sa unang tambalan ng "KenBie" loveteam sa widescreen.                                                                                                         Nang makapanayam namin ang leading lady ni Ken na si Barbie sa grand presscon ng nasabing movie, inamin ng dalaga na bagamat first movie nila ito bilang magka loveteam , hindi niya umano ikinakaila na may mararamdama siyang kaba pero ayaw raw niyang isipin hanggat maari sa halip mag isip na lang daw siya umano ng mga magagandang bagay .                                  

“Kasi kung iisipin natin ‘yun, mas lalo lang tayong magiging nega kaysa ‘yung makita natin ‘yung good outcome ng pelikula, di ba. Sana, kung marami man pong manonood ng pelikula namin, sana, hindi lang dahil sa amin ni Ken, kung hindi dahil sa ganda ng project, ganda ng material, ganda ng direction, lahat.                                                        

“Sana, ma-appreciate nila ‘yung pelikula and hindi lang dahil sa amin ni Ken,” pahayag ni Barbie.                                                                                                                  

Pagdating naman kay Ken ang pag uusapan kahit na very sweet at very vocal ang binata sa kanya, para kay Barbie mas gusto niya ang set up ng kanilang samahan bilang magkaibigan.                                                                                                          

“Ako kasi, naniniwala ako, friendship is more lasting. Parang mas marami akong naririnig ngayon, nababalitaan na failed relationships at  nabubuwag na friendship,” ani Barbie.            

Sang ayon naman si Ken sa mga sinasabi ni Barbie kung ano talaga ang turing niya sa binata. Ayon kay Ken  nire respeto niya kung ano ang gusto't disisyon ng kanyang loveteam na si Barbie.   “kasi, kapag pinasok mo ang isang relasyon, kunyari, naging mag-on kayo o kaya to the next level na ang relasyon n’yo, pwedeng bumagsak ‘yun, eh. Once na nag-away kayong dalawa, after nu’n, pag naging mag-boyfriend at girlfriend kayo, tapos nag-away kayo, wala na hindi na kayo magpapansinan.Dun na magsisimula yu'ng magkahiyaan kayo ... so ayokong dumating yung time na yun," sundot naman ni Ken.                      

“Pero ’pag mag-friends kayo, laging nandiyan.”                                                            

“Mas gusto ko, pagdating sa showbiz, iba ‘yung personal sa showbiz. Pagdating sa showbiz, kung maaari, ‘yung mga katrabaho ko, gusto ko, maging sobrang close ko bilang magkakaibigan. Kasi ayokong masira ’yung working relationship ko sa kanila. 
“So, kung magge-girlfriend ako, gusto ko, outside showbiz. Inihihiwalay ko ’yun,” sey ni Ken.                                                            

Pareho man ang kanilang pananaw pagdating sa buhay pag ibig , ngunit para kay Ken hindi pa din niya isinasara ang kanyang puso 't isipan para sa kanyang ka loveteam na si Barbie.                                                                                                                    

“hindi naman mahirap mahalin si Barbie. Sa totoo lang, siya ’yung tipo ng babae na talagang madali kang mai-in-love kasi maalaga siya sa mga leading man niya.
“Siya ’yung tipo na maasikaso. Alam niya kapag pagod ka na, bibigyan ka ng kape, pagkain, so talagang aalagaan ka niya, so kahit sino na makapareha ni Barbie talagang madaling... (mamahalin). So... we will see ayokong magsalita ng tapos!,"pahayah ni Ken

 

MISS WORLD PH 2017 ALL GRAND WINNERS SIGNED UP WITH REGAL ENTERTAINMENT, INC FOR MOVIE CONTRACT

by Rico Miranda posted on October 11,2017

30.9K

PORMAL nang pumirma ng movie contract sa Regal Filmsang mga grand winners ng Miss World Ph 2017 na sina Laura Lehmannna titlist sa nasabing patimpalak, Reina HispanoAmericana Filipinas Wynwin Marquez, 1st runnerup Glyssa Leian Perez,  Miss Eco Philippines Cynthia Thomalla, Miss Multinational Philippines Sophia Senoron with mother Lily Monteverde and her daughter Roselle Monteverde together with respected talent manager Arnold Vegafria kamakalawa na ginanap sa Valencia Events Place.

SA pagharap ng limang beauty queens sa press people kapansin pansin na may kanya kanya silang mga katangian na walang itulak kabingin kung beauty and brain ang pag uusapan.                                  

Minsan na rin daw silang nangarap na maging ganap na artista na tanging ang naging daan nila upang matawid ang tulay tungo sa kanilang mga ambisyon ay ang pagiging buo ang loob at hindi sumusuko sa takbo ng buhay, maliban kay Wynwin na kilala na bilang aktres at nakamulatan na ang mundo ng showbiz.      

SPEAKING of Winwyn Marquez siya ang kauna unahang representatives ng philippines sa gaganaping beauty pageant sa Reina HispanicoAmericana in Sta. Cruz, Bolivia.                                                                            

“I'm excited for that competition. Di familiar sa ating ang pageant but it has been going on for 28 years and now lang sila nag-invite ng Asian candidate and I’m flattered na ako yung unang candidate na ipadadala ng ating bansa sa Bolivia,” aniya.                                            

"Lahat ng mga Latina na nanalo sa ibang beauty pageants dumaan and it’s like a training ground for them before they join other international competitions. Ang winner nila last year was Miss Columbia with Miss Mexico as runnerup. I’m now taking Spanish classes but it’s impossible for me to learn it right away in such a short time. May interpreter naman daw sila roon for me. "Nakakalungkot nga kasi my mom and dad both hindi sila pwedeng mag travel. Si mommy hindi puwedeng mag travel according to her doctor lalo pa't Bolivia i think it takes 26 hours its a long journey baka di makayanan ng mommy ko. Si Dad naman may astma ..okej lang naman sakin.                                

"Ang makakasama ko yung kuya Yeoj ko , nag volunteer siya sa kin ..kaya siya tutulong sakin sa mga dala ko ang dami ko pa namang maletang dala ..mga gowns and costumes ko.                                                                      

"Si Mark naman di ko na isinama dahil very expensive ang fare, imagine mahigit 100 thousand sa fare palang at the same time ayoko din nandun siya kasi baka mailang lang ako ..iba kasi yung hindi concious may manonood sayo na special someone . baka makaramdam lang ako hiya at kaba,"kwento pa ni Wynwin.                                                                                    

by Rico Miranda posted on October 11,2017

30.9K

JANINE RECIEVED TROPHY FOR HER FIRST ACTING AWARDS

Nagsisimula nang gumawa ng isang malaking pangalan sa industrya ang anak ni Lotlot de Leon na si Janine Gutierrez. Bilang pam-buenamanong karangalan na tanda ng kanyang pagiging isang magaling na aktres pinangaralan ng Urduja Heritage Film Awards ang bagong alaga ng LVD sa natatanging pagganap sa pelikulang "Dagsin" bukod sa pagiging magaling na aktres Janine has also entered into recording. O diba she,s absolutely versetile aktress and no wonder na marating din niya ang tagumpay tulad ng narating ng kanyang angkan specially sa kanyang grandmother at superstar na si Nora Aunor. Dugong artista kasi ang nananalaytay sa pagkatao ng dalaga at di lingid ating kaalaman na si Janine ay lumaki sa mundo ng showbiz.               "Siguro sakin po kahit po kalahati lang nang narating nila okej lang po sakin. Ako kasi ayokong mag expect na mas higit pa sa inaasahan ko.       "Tulad po ni mama guy ko wala pa sigurong pwedeng makaabot ng narating niya. Nag iisa lang po ang Suprestar."pagmamalaking turan ni Janine.                                            

NILINAW din namin kay Janine ang isyu hingil sa namamagitang hidwaan ng  ng kanyang dalawang Lola na sina Nora Aunor at Pilita Colares. Balitang mas pinapaburan daw umano ng bagong alaga ni Leo D ang kanyang Lola Pilita over Ate guy na lola din niya sa mother side. Dagdag pa nga nito ang hindi umano pagbati ng aktres sa kanyang social media account noong mag birthday si ate Guy.                    

“Siyempre, hindi naman po porke’t kung ano ang nakikita sa social media, ibig sabihin ‘yun na ang nangyayari sa totoong buhay. Hindi mo naman talaga napu-post lahat at naa-update ang lahat ng tao sa mga bagay-bagay.                                      “Sana maintindihan po nila na hindi ko rin po talaga maipaliwanag lahat sa Instagram ko or sa Twitter ko. Hindi naman po talaga ko masyadong ma-social media, sa totoo lang. Mas personal po ako.”                                                                

 "Mahal na mahal ko siyempre ang dalawa kong lola .at naiintidihan ko din na mahal ni mama guy ang mga Noranians."

JANINE is now new under contract with LVD of Leo Dominguez. She singed up contract just recently. And according to her expire na ang contract ng aktres sa Kapuso GMA 7 pero wala daw umano siyang planong lumipat ng ibang channel under negosasyon pa daw ang usapan sa pagitan ng kanyang manager at nasabing istasyon.

REGAL FILMS UPCOMING MOVIES FULL TRAILERS 

“Noon ko pa gusto magpa-manage sa kanya and I’m thankful na tinanggap po niya ako when my mom and I talked to him. I told him my dreams and my plans and he’s very positive we can achieve them together.”

Contact Us

MEDIA RELEASE

by RICO MIRANDA posted on October 4, 2017

10.9K

MAPAPANOOD NA TODAY OCTOBER 4 WEDNESDAY ANG PINAKAHIHINTAY NA SUSPENSE HORROR FILMs NINA MILES, MICHELLE, CHANNEL, JANE AT SUE SA PASIKLAB NA KATATAKUTAN "THE DEBUTANTES"!

DON'T MISS TO WATCH "THE DEBUTANTES" ONE OF THE BEST HORROR FILMS IN LOCAL CINEMA

SHOWING  na today October 4, ang kakaibang uri ng panakot na matutungahayan sa millennial horror flick na " The Debutantes" mula sa Regal Entertainment . Tampok ang limang dalaga na binansagang "The It Girls of Horror" na sina Miles Ocampo, Michelle Vito, Channel Morales, Jane de Leon at Sue Ramirez na infairness isa sa nagpakita ng galing sa nasabing movie at pinuri ng marami after ngRed Carpet Premiere night na ginanap sa Ayala Mall Vertis North last tuesday night. Maganda ang naging feedback ng nasabing movie at pumasa sa panlasa ng mga nakapanood sa movie, maging ang ating ilang  magagaling na kritiko ay walang masabi sa pelikulang  The Debuntantes " ni direk Prime Cruz kakaibang atake  kasi ang ipinakita dito ng ating magaling na direktor.                                            

Ayon nga kay direk Cruz iniba niya ang genre ng "The Debutantes". aniya "I could call it color horror na hindi nakikita na common horror films,"                                                                                First movie ni Channel ang horror movie "Ang daming expected na circumstances na nangyari sa set ,parang daming horror na nagaganap...na true to life."saad ni Channel        

Siyempre hindi rin nagpahuli sa galing si Sue na very natural ang pagkakaganap sa "TD". "Dito ko na ex-perience na umiyak ng pitong oras na tuloy tuloy. Walang putol!Hindi lang pang teens na mag de debut ito. Maging sa younger audience din kasi matatakot silang mag debut. Promise kikilabutan kayo."sundot naman si Sue                

Si Michelle naman nalilinya na rin sa pagggawa ng mga horror fims.. and take note future beauty queen ang dating ng dalaga , pero kahit horror films nabibigyan niya ng justice ang kanyang  role.  "Pangatlong horror films ko na to .. okej lang sa akin kahit horror movie basta maganda story at may hatid na magandang message sa tao." sabi naman ni Michelle.                                                                        

Unang sabak din sa big screen ni Jane at ang "The Debutantes " na movie malamang ang maghatid sa dalaga sa kanyang mga pangarap at ambisyon."Yung na experience ko dito na habang nag ti take kami sa set , may naramdaman akong kakaiba. May something nasa likod ..parang nararamdaman ko habang di pa nag ti take si direk. Mysterious ang movie na ito..magugustuhan ninyo dahil maganda !,"nakangiting sabi naman ni Jane.                      Sabi naman ni Miles "Iba talaga ang atake na ginawa dito ni direk Prime ...I"m pretty sure magugustuhan ito ng lahat."sundot naman ni Miles.                                                                                              

Base sa track record pagdating sa ganitong genre isa na diyan ang Regal Films Inc na gumagawa ng makabuluhang at dekalidad na movie. Ang "The Debutantes" ay bagong putahe  na katatakutan na napapanahong kwento sa mga maghilig sa bullying lalo na sa mga istudyante. Kaya sa mga mahilig mag bullying baka isang araw makatagpo tayo ng isang taong may lihim  na puwede kang balikan at yun pa ang maging mitsa na inyong buhay. diba Mother?                                                                                                                                      


MILES OCAMPO , HINDI BINIGO ANG REGAL films DAHIL SA GALING NITO SA PELIKULANG THE DEBUTANTES!

by RICO MIRANDA POSTED ON OCTOBER 4, 2017

NANG makausap namin ang isa sa bida sa pelikulang The Debutantes na si Miles Ocampo sa bonggang Red Carpet Premiere night na ginanap sa Ayala Vertis Mall yesterday night,unang naging tanong sa aktres hinggil sakontrobersyal na  si Xander Ford na kilalang si Marlou Arizala nung hindi pa ito nagpaparetoke ng mukha at ngayon nga ay talagang artistahin na ang kanyang dating. Kung ating matatandaan minsan nang nagkadaupang ng palad sina Miles at Zander dahil nag guest na ito sa Sitcom nina Miles sa "Home Sweet Home" kung saan nanliligaw ito sa aktres.

Hindi makapagbigay ng opinyon ang dalaga sa pabirong tanong mga press people na posibilidad nga raw bang magustuhan niya ang kagaya ni Xander na alam niya kung ano ang pinanggalingan? Nangingiti lang ang aktres at halatang she don't want any comment  about Xander na ang tanging nasabi lang ng aktres ay

"Hindi ko po talaga alam,eh. Siguro ‘yung ginawa naman niya sa sarili niya ay kung diyan po siyang confident at ‘yung pakiramdam niya na kaya niya ang sarili niya, e, di go lang po,” matipid na sabi ni MIles  na isa sa nagpakita ng galing sa bagong niyang pelikulang The Debutantes na showing na today nationwide.                               Hindi nabigo ang Regal Films na sugalan at bigyan ng break ang kagaya ni Miles na minsan na ring nangarap  na magkaroon ng isang pelikula na lead role at dito nga sa nasabing movie isa siya sa bida't di nagpahuli sa iba niyang kasamahan interms of acting. Infairness  marami  ang humanga sa ipinamalas na galing  ng dalagasa kanyang pagkakaganap sa suspense horror films ng Regal Films na The Debutantes, maging ang producer  na sina Mother Lily Monteverde and Roselle Monteverde happy sa outcome na nasabing movie kung saan kasama din niya na nagpakita ng galing sa "TD" sina Michelle Vito , Jane de Leon, Sue Ramirez at Channel Morales. Kaya tuklasin ang lihim sa likod ng mga nakakakilabot na mangyayari sa magkakaibigan bago sumapit ang kanilang debut, nakaka shock at madugong karanasan. Watch it now!1

NAGPAPASALAMAT ANG BUONG CASTS NG PELIKULANG "THE DEBUTANTES" SA LAHAT NG NONOOD AT SUMUPORTA SA NASABING MOVIE . FIRST DAY SHOWING PUMALO KASI ITO SA TAKILYA NG 3.5M . CONGRATS ROSELLE MONTEVERDE AND MOTHER LILY MONTEVERDE SA WALANG SAWANG PAGBIBIGAY NG MGA PELIKULANG MAKABULUHAN!

FULL TRAILER UP COMING MOVIES SOON!!!

 
 

by Rico Miranda posted on October 2, 2017

HALOS ilang dekada nang namamayagpag sa industrya ang  character aktor na si Mon Confiado ngunit sa kabila ng mahabang panahon na itinakbo ng kanyang career na humigit kumulang dalawangpung  taon, hanggang ngayon patuloy pa rin siyang lumalaban at umaasa sa takbo ng idustrya  bilang isang magaling na alagad ng sining. Mon with over 300 films and TV series to his credit at nagampanan na nito ang ibat ibang roles mula sa pagiging extra at lead karakter. Pero Isa sa mga ipinagmamalaki ni Mon ay ang role nito sa "MGA GABING KASINGHABA NG HAIR KO" (Those Long Haired Nights) mula sa sanib puwersa ng Epic Media at Fluid SH Media kung saan gagampanan nito ang isang BUGAW ng mga rampadorang transgenders na nagbebenta ng panandaliang aliw kapalit ng salapi sa Burgos Avenue St ,Makati City. 

"Isa akong bugaw dito ng mga transgender ..as in pa girl na nagbebeta ng aliw . Ako nakikipag deal sa costumers . Nagawa ko na rin dati ang maging bugaw pero iba ito ..iba ang market nito natural na natural na nangyayari sa lansangan,"kwento ng aktor                     "Mararamdaman yung hirap ng buhay kung bakit namin ginagawa yun..pangangailangan kapalit ng panandaliang aliw. Kasi iba't ibang case ang kanilang mga problema kaya nila nagagawa yun. Ipakikita dito yung kung papaano sila kumapit sa patalim may maiuwi lang na pera sa kanilang pamilya ...maganda talaga,  makikita nila ang buhay ng mga transgenders at ang gaganda nila. Makikita mo yung transition ng pagkababae.  

" Kaya sobrang ipinagmamalaki ko ang pelikulang ito kasi isa ito sa delakidad ng mga nagawa kong movie. Sana nga marami pa akong magawang movie na makabuluhan. Kaya nga nasasabi lagi na gutom ako in a sense na may gusto pa akong role na gustong gawin. "Hindi ko kasi inaalam o pinapasok sa utak ko na nagmarka na ako sa showbiz. Hindi ko inaalam kung saang level na ako. Baka masira ‘yun pagkagutom ko. Hindi naman lumaki ang ulo ko. Baka tamarin ako!” pahayag paMon.                                                                                    Ang tagumapay nga raw ay hindi talaga nakaukit sa ting palad kundi yun ay pinaghihirapan kaya labis na natutuwa si Mon dahil ang isang katulad niyang character actor ay patuloy na lumalaban at hindi pa raw natatapos mithiin niya na abutin ang kanyang mga pangarap.                                            

"Marami akong gustong gawin , sa dami ng napagdaanan ko na sa showbiz lahat na yata ng artista nakasama ko na bukod tangi na lang si Nora Aunor ..siyempre pinangarap ko din makasama ang Superstar.                                                                                                         "Nakatutuwa ngang isipin na ngayon nabibigyan na ng magandang apportunity ang mga kagaya namin mga character actor , dahil sa indie films nagbukas yung mga pintuan hindi lang akin kundi sa iba din na nagbibida na rin ngayon.                                                                    "Dati kasi ang hirap eh.. iba ang labanan eh , pag mistiso ka guwapo yun ang kalakaran before . pagwapuhan ang mga artista  diba? E ako patpatin pa nun kaya nga kahit papaano nandito pa din ako.              "Kasi ako naman yung tipo ng artista na hindi tumatanggi kahit pa libre siya maliit na role ..kahit na ano tinatanggap ko ..ganun ako ka tiyaga ..hindi ako maarte kaya yun ang isa sa mga advantage ko," pahayag pa ng isa sa cast ng pelikulang  "Those Long Haired Nights (Mga Gabing Kasing-haba Ng Hair Ko)” na nakatakdang ipalabas sa BUSAN International Film Festival  (BIFF) World Premiere sa October 12-21 2017. In attendance for the Guest visit will be , Direktor Gerardo Calagui, Writer  Mark Duane Angos, Producers, Bianca Balbuena & Bradley Liew, Executive Producers, Manuel Marinay and Mabel V. Mamba, Supervising Producer Niel Maristela and  Actors Matt Daclan and Anthony Falcon. 

                                                                                                

 

 

MATT DACLAN , FIRST TIME NA GUMANAP NA ISANG TRANSGENDER SA PELIKULANG "MGA GABING KASINGHABA NG HAIR KO" NA NAGBEBENTA NG ALIW, NAHIRAPAN SA PAG IPIT NG KANYANG ARI

by Rico Miranda posted on October 2, 2017

ANG Baguhang aktor na si Matt Daclan ay isa sa magpapamalas ng galing sa dekalidad na pelikula ni Direk Gerardo Calagui bilang isang transgender prostitute, play the role of "Tuesday" sa pelikulang "THOSE LONG HAIRED NIGHTS (Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko)"under Epic Media and Fluid strat house Media. Ang pelikulang ito ang magsisilbing full lenght Indie Movie ng Cebuanong aktor  na nakasungkit  bilang best actor sa Cinema One sa isang Visayan Films 3 years ago.

Malamang ang pelikulang ito ang magbibigay katuparan sa pangarap ni Matt na makilala bilang isang magaling na aktor. Biggest break ito para mapansin ang kanyang galing sa natatanging pelikulang "MGA GABING KASINGHABA NG HAIR KO" na nakatakdang ipalabas sa October 12, 2017 sa BUSAN international Film Festival (BIFF) world premiere. 

 "Pinanindigan ko na yung karakter ko dito bilang isang transgender prosti. Its my first time kong mag mujer kaya nag aral ako kung papaano kumilos ang mga gay ..tumingin din ako sa youtube online kung papano sila gumalaw since first time kaya pinag aralan ko,"kwento ng mistisong aktor na ngayon ay kasalukuyang gumagawa ng movie na "Heneral Goyo".                        

 "Ang pinaka matindi ko na ginawa dito ay yung pag iipit ...ang sakit pag umupo ..pinag aralan ko yun. Kaya kahit mahirap ginagawa ko kasi bukod sa Pari isa ito sa dream role ko."

Labis ang pasasalamat ni Matt na nakasama niya ang character aktor na si Mon Confiado dahil ginabayan siya nito sa kanyang mga eksena.                                                                                                             "Nagpapasalamat ako kay kuya Mon dahil marami akong natutunan sa kanya. Hindi siya naging maramot sa pagbigay ng advice sa kin ..maging si Direk Gerard marami din akong natutunan sa kanya , bago pa kami nag simula marami na siyang itinuro sa akin. 

NEW TV SHOW

HEART AND XANDER , BAGONG TAMBALANG MAMAHALIN NG VIEWERS SA SERYENG " My Korean Jagiya" NG GMA PRIMETIME

COMING SOON

STAR STUDDED ANG NAPIPINTONG NEW SERYE SA ABS-CBN SOON!

GAME SHOW

ALL STAR KARAOKE AS A CELEBRITY KARAOKE GAME SHOW HOSTED BY SOLENN HEUSSAFF AND BETONG SUMAYA

REAL COUPLE

WILL DEVAUGHN AND ROXANNE BARCELO GOING STRONG PA DIN ANG RELATIONSHIP

NEW TV PROJECT

ALESSANDRA DE ROSSI AND EMPOY MARQUEZ AFTER THE SUCCESS  OF "KITA KITA" SASABAK NAMAN SA TELESERYE SA ABS CBN SOON

 ALESSANDRA AND EMPOY

POSTED ON AUGUST 17, 2017

TOP NEWS

REMARKS

LATEST

FEAUTURE

MGA ILANG KUHA SA EKSENA SA MAGPAKAILANMAN KATRINA HALILI ANG DION IGNACIO "KAMBAL NA PAGMAMAHAL" the CONNIE GUARINO story on Saturday

MARIAN RIVERA DANTES MALAPIT NANG MAPANOOD SA KANYANG PINAKABAGONG SHOW SA GMA NETWORK

PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA DANTES SA KANYANG HANA SHAMPOO MADE FOR HER

AFTER SO MANY YEARS MAGSASAMA MULI ANG DATING LOVETEAM NA SINA MARK HERRAS AND JENNYLYN MERCADO SA DEAR UGE AUGUST 27 DONT MISS IT SA NAKAKA KILIG NILANG PAGSASAMA MULI

TVRATING                                                                                              posted on August 16, 2017

CONSISTENT PA RIN ANG TAAS NG RATING NG FPJ'S ANG PROBINSYANO ONE OF THE TOP RATING PROGRAM IN ABS CBN

COMEBACK                                                                       posted on August 16, 2017

ASSUNTA BUSY MULI SA KANYANG CAREER , HAPPY  SA PAGIGING KONTRABIDA SA IMPOSTORA NG GMA AFTERNOON PRIME

 TOP PROGRAM                                                               posted on August 16, 2017

PATINDI NG PATINDI ANG MGA EKSENA SA WILDFLOWER  NG ABS CBN ..HINDI PATAPOS ANG PAGHIHIGANTI NI IVY AGUAS

DINUMOG : Mga larawan kuha sa mall show ng pelikulang WOKE UP LIKE THIS na ginanap Ayala Mall at mga iba pang mga kaganapan sa iba pang Mall ,masisilip ang mga video

PROPOSAL

NEWS

SILIPIN ANG MGA ILANG STILL PHOTOS SA PELIKULANG WOKE UP  LIKE THIS UNDER REGAL FILS VHONG NAVARRO AND LOVI POE LALAYAG NA SA AUGUST 23 IN ALL CINEMAS NATIONWIDE

NEW TV SHOW

 

posted on July 24, 2017 INTERVIEW

LATEST ALBUM

LATEST MOVIE TRAILER REGAL FILMS

                                                                                                          FALLOW US

www.facebook.com  www.instagram.com  www.twitter.com